Monday, October 26, 2015

AHON turn-over statement for Ana Kalang Festival Run 2 Proceeds

Pagbati!

Bago po ang lahat, hayaan nyo po munang ibahagi ko ang maikling salaysay kung paano nagkaroon ng malaking papel ang grupong AHON sa proyektong paglilikom ng pondo para sa pagpapagawa ng gusaling pampaaralan ng Laguna State Polytechnic University o LSPU. 

We were approached by the LGU of Nagcarlan to carry out major role in raising funds to handle the Ana Kalang Festival Run 2 in all aspects: setting up strategies, planning and managing the actual event.

Sa madaling salita, humingi po ng tulong sa AHON ang pamahalaang bayan upang maayos na maisakatuparan ang layunin para sa LSPU.

Karangalan po ng AHON na tumugon sa ganoong uri ng kahilingan.  At sa tuwina, nais po ng AHON na maiparating sa lahat ang aming bukas  at malinis na intensiong tumugon sa pangangailangan para sa tamang kapakanan ng mamamayan. Ang kahandaang mag-alay ng panahon, lakas at talino nang hindi isinasaalang-alang ang sariling interest. Tunay na tulong at hindi huwad na naghihintay ng kapalit o kabayarang pansarili lamang.


Maluwalhating naidaos at matagumpay na naisakatuparan ang Ana Kalang Festival Run 2. Sa  bumubuo ng grupong AHON na naging kabahagi sa mahusay na pagsasagawa ng pagdiriwang, at sa mga mamamayan na tumangkilik, dumalo at nakisaya…..Narito po at aming isinusulit sa Pamahalaagn Bayan ng Nagcarlan ang halagang:

Apat na daan limampung libo,  limangdaan at tatlo at siyamnaput tatlong sentimo 
(P 450,503.93).


Sa pagsusulit ng halagang ito sa ating pamahalaang bayan, ito po ay mananatiling nakalagak sa isang “Trust Fund” (Runmania Philippines Trust Fund-400-41835) at mananatili doon at daragdagan pa hanggang sa sandaling sapat na ang halaga para sa pagpapagawa ng gusaling pampaaralan. 



Hinihiling po namin sa lahat ng mga mamamayan na sa tuwina ay usisain ang estado ng nalikom na halaga upang masiguro natin na ang proyekto para sa LSPU ay maisasakatuparan ng wasto sa lalong madaling panahon.


Sa panahon daw po ngayon ay bihira na ang grupong ganito.  Ang matapat na tumutugon sa pangangailangan ng bayan ng walang isinasaalang-alang na pansariling kapalit.  Karangalan po ng grupong AHON na manatiling mapagkawanggawa pasa sa kapakanan ng bayan.

Nais ko pong pasalamatan ang mga butihing tao sa likod ng grupong AHON.  Ang mga tao pong ito ay nagmula sa hanay ng pangkaraniwan nating mga mamamayan: tahimik ngunit mapagmasid, masigasig na tutugon sa responsibilidad at magaalay ng kakayahan para sa layuning matuwid at mapagkawanggawa. Ito po ang munting alay ng AHON sa Nagcarlan: ang insipirasyon na ang paggawa ng mahusay at tapat na walang hihihinging kapalit ay may puwang pa sa ating lipunan ngayon.

May pag-asa pa Nagcarlan!


No comments:

Post a Comment