Pagbati!
Bago po ang lahat, hayaan nyo po
munang ibahagi ko ang maikling salaysay kung paano nagkaroon ng malaking papel
ang grupong AHON sa proyektong paglilikom ng pondo para sa pagpapagawa ng
gusaling pampaaralan ng Laguna State Polytechnic University o LSPU.
We were approached by the LGU of
Nagcarlan to carry out major role in raising funds to handle the Ana Kalang Festival
Run 2 in all aspects: setting up strategies, planning and managing the actual
event.
Sa madaling salita, humingi po ng
tulong sa AHON ang pamahalaang bayan upang maayos na maisakatuparan ang layunin
para sa LSPU.
Karangalan po ng AHON na tumugon
sa ganoong uri ng kahilingan. At sa tuwina,
nais po ng AHON na maiparating sa lahat ang aming bukas at malinis na intensiong tumugon sa
pangangailangan para sa tamang kapakanan ng mamamayan. Ang kahandaang mag-alay
ng panahon, lakas at talino nang hindi isinasaalang-alang ang sariling
interest. Tunay na tulong at hindi huwad na naghihintay ng kapalit o kabayarang
pansarili lamang.
Maluwalhating naidaos at
matagumpay na naisakatuparan ang Ana Kalang Festival Run 2. Sa bumubuo ng grupong AHON na naging kabahagi sa
mahusay na pagsasagawa ng pagdiriwang, at sa mga mamamayan na tumangkilik,
dumalo at nakisaya…..Narito po at aming isinusulit sa Pamahalaagn Bayan ng
Nagcarlan ang halagang:
Apat na daan limampung libo, limangdaan at tatlo at siyamnaput tatlong
sentimo
(P 450,503.93).
Sa pagsusulit ng halagang ito sa
ating pamahalaang bayan, ito po ay mananatiling nakalagak sa isang “Trust Fund”
(Runmania Philippines Trust Fund-400-41835) at mananatili doon at daragdagan pa
hanggang sa sandaling sapat na ang halaga para sa pagpapagawa ng gusaling
pampaaralan.
Hinihiling po namin sa lahat ng
mga mamamayan na sa tuwina ay usisain ang estado ng nalikom na halaga upang
masiguro natin na ang proyekto para sa LSPU ay maisasakatuparan ng wasto sa
lalong madaling panahon.
Sa panahon daw po ngayon ay
bihira na ang grupong ganito. Ang
matapat na tumutugon sa pangangailangan ng bayan ng walang isinasaalang-alang
na pansariling kapalit. Karangalan po ng
grupong AHON na manatiling mapagkawanggawa pasa sa kapakanan ng bayan.
Nais ko pong pasalamatan ang mga
butihing tao sa likod ng grupong AHON.
Ang mga tao pong ito ay nagmula sa hanay ng pangkaraniwan nating mga
mamamayan: tahimik ngunit mapagmasid, masigasig na tutugon sa responsibilidad at
magaalay ng kakayahan para sa layuning matuwid at mapagkawanggawa. Ito po ang
munting alay ng AHON sa Nagcarlan: ang insipirasyon na ang paggawa ng mahusay
at tapat na walang hihihinging kapalit ay may puwang pa sa ating lipunan
ngayon.